Team WESCOM secures the country's Energy Resources

23 Dating Rebeldeng NPA Tumanggap ng Tulong Pinansyal

Published: Thursday, 19 April 2018

Dalawampu't tatlong (23) dating rebeldeng NPA ang ginawaran ng Local Social Integration Program ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan katuwang ang Provincial Social Welfare Development Office at Western Command kanina, sa Provincial Capitol.

Bawat isa ay nakatanggap ng P25,000 bilang tulong pinansyal sa kanilang pagbabagong buhay at panimula sa paghahanapbuhay. Ang nasabing tulong ay personal pang iniabot ng butihing Gobernador ng Palawan na si Gov. Jose Ch Alvarez.

Ang Western Command at ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan ay patuloy na hinihikayat ang mga nalalabi pang kasamahan ng mga sumukong rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan at anumang oras ay bukas at handa itong magbigay ng suporta para sa mga nagnanais na simulan nang mas maayos at matiwasay ang kanilang pamumuhay sa ilalim ng pamahalaan.
#TeamWESCOM #OnePalawanParaSaKapayapaan #PalawanKontraNPA

Hits: 520

WESCOM Facebook News Feeds

Who's online

We have 33 guests and no members online