Team WESCOM secures the country's Energy Resources

Skills Enhancement Training Isinagawa para sa 32 Dating Rebeldeng NPA

Published: Wednesday, 07 February 2018

Tatlumpu't dalawang (32) dating rebeldeng NPA na binubuo ng dalawampu't walong (28) kalalakihan at apat (4) na kababaihan ang sumailalim sa isang pagsasanay ng kanilang kakayahan noon Pebrero 6, 2018 sa Skylight Convention Hotel, Roxas Street, Puerto Princesa CIty.

Ang pagsasanay ay naglalayon na madagdagan ang kaalaman ng mga sumukong dating rebeldeng NPA hindi lamang sa pagsasaka, paghahayupan at iba pang mga nakasanayan nilang gawain. Ito ay isa lamang sa mga programa ng gobyerno para sa ating mga kapatid na nagbabalik loob sa ating pamahalaan upang makamtan nila ang masagana at tahimik na pamumuhay.

Kasama ang ilan pang imbitadong tagapagsalita sa iba't ibang larangan, pinangunahan naman ni Captain Cherryl P Tindog PN(M), Chief Public Affairs Office WESCOM ang panunumpa sa katapatan matapos ituro sa kanila ang pagiging matapat sa bansa, lalawigan, pamilya at sarili. Matapos ang pagsasanay ay ibinigay na sa kanila halagang animnapu't limang libong piso (P65,000) bilang livelihood and immediate assistance para sa kanilang pagbabagong buhay.

Ang nasabing Skills Enhancement Training ay programa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa mga dating rebeldeng NPA na sinusuportahan naman ng Western Command at iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga katuwang sa pamayanan. 

#OneWESCOM
#OnePalawanParaSaKapayapaan

Hits: 130

WESCOM Facebook News Feeds

Who's online

We have 62 guests and no members online